Inanunsiyo ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda na positibo siya sa COVID-19.
Ayon kay Antiporda, nakaranas siya ng pamamaos at pangangati ng lalamunan noong March 22, 2021 kung kaya’t agad siyang sumailalim sa pagsusuri.
Positibo aniya ang resulta ng kaniyang antigen test habang negatibo naman ang lahat ng kasama niya sa bahay.
Agad aniya siyang nag-isolate at tumawag sa isang doktor mula sa Quezon province para sa phone consultation.
Inilahad din ni Antiporda sa kaniyang Facebook account ang mga gamot na nireseta sa kanya ng doktor at ilang vitamins.
Sa ngayon, patuloy pang nagpapagaling si Antiporda.
MOST READ
LATEST STORIES