Makati LGU, nagbabala vs hindi awtorisadong COVID-19 vaccine registration portal

Nagbabala ang Makati City government ukol sa ginawa umanong online portal ng ilang opisyal ng Barangay Dasmariñas para tumanggap ng registration at schedulling para sa COVID-19 vaccination.

“This app/portal of Brgy. Dasmariñas is NOT AUTHORIZED by, NOT COORDINATED with, and NOT LINKED to MAKATI CITY and its vaccination program “Bakuna Makati,” saad sa abiso.

Kinondena ng Makati LGU ang anila’y “reckless act” ng ilang Barangay Dasmariñas officials para gumawa at mag-operate ng hindi awtorisadong COVID-19 vaccine registration portal.

Maliban sa paglabag sa mga itinakdang panuntunan ng IATF, DOH at city government, nagdulot anila ito ng kalituhan sa mga residente ng nasabing barangay.

Nalagay din aniya nito sa kapahamakan ang buhay ng mga senior citizen.

Iginiit ng Makati City government na hindi kinukunsinti ang ilegal at iresponsableng aksyon ng ilang barangay official.

“We shall pursue all legal courses of action against violators, whoever they are,” ayon pa rito.

Nilinaw ng Makati LGU na iisa lamang ang awtorisadong registration portal para sa Bakuna Makati: www.covid19vaccine.safemakati.com

Paalala nito sa mga residente ng lungsod, manggagaling lamang ang mga opisyal na pahayag ukol sa pagbabakuna sa mga lehitimong social media account at website ng pamahalaang lungsod.

Read more...