173 pang pulis, tinamaan ng COVID-19

Aabot sa 173 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Lunes ng gabi (April 5), 16,230 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 2,614 ang aktibo pang kaso.

191 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 13,576 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 40 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...