Dating Pangulong Joseph Estrada naka-mechanical ventilation

Nasa mechanical ventilation ngayon si dating Pangulong Joseph Estrada.

Ito ay matapos mag-positibo sa COVID-19 ang dating Pangulo.

Ayon sa Facebook post ni dating Senador Jinggoy Estrada, lumala ang pneumonia ng kanyang ama.

Ayon sa nakababatang Estrada, nagpasya ang mga doktor ng dating Pangulo na ilagay sa mechanical ventilation dahil tumaas ang oxygen requirement ng kanyang katawan.

Sa pamamagitan ng mechanical ventilation, umaasa ang pamilya Estrada na hindi mapapagod ang respiratory mechanism ng dating Pangulo.

Kasabay nito, humihiling ang nakababatang Estrada ng panalangin mula sa publiko para sa agarang ikagagaling ng kanyang ama.

Nasa intensive care unit (ICU) ngayon ang dating Pangulo.

Read more...