Pondo ng Pantawid Pasada, dapat gamitin para sa libreng Covid testing ng mga driver

Umapela si Ako Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin sa gobyerno na bigyan ng libreng COVID-19  testing ang public utility drivers at mga pasahero.

Kasunod ito ng ulat na halos 80 pasahero ng mga colorum na sasakyan na papuntang Bicol mula sa Metro Manila ang nagpositibo sa Covid-19.

Sabi ng kongresista, marami talagang magpapalusot kapag walang libreng testing dahil mahal ang swab test.

Kaya naman iginiit nito na magamit ang parte ng pondo ng Pantawid Pasada program at kita mula sa PAGCOR para mabigyan ng libreng RT-PCR test ang mga tsuper at pasahero ng UVs, FXs at mga bus.

Naniniwala si Garbin na ang pag-test at pagbabakuna sa mga ito ay makatutulong na mapigilan ang lalo pang pagkalat ng virus.

Ipinasasama rin sa libreng COVID testing ang mga pasaherong stranded sa mga pier, airports at transport terminals para maiwasang madala pa sa mga probinsya ang sakit.

Read more...