Taguig City Mayor Lino Cayetano nabakunahan na kontra COVID-19

(Mayor Lino Cayetano’s Facebook account)

Nabakunahan na kontra COVID-19 si Taguig City Mayor Lino Cayetano.

Sa pahayag ni Cayetano, sinabi nitong Sinovac vaccine na gawa ng China ang itinurok sa kanya.

Naturukan si Cayetano matapos aprubahan ng national government ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga mayor na nasa high risk cities at municipalities.

Kasabay nito, hinikayat ni Cayetano ang mga taga-Taguig na magparehistro na sa pamamagitan ng Taguig Registry for Access and Citizen Engagement (TRACE) para mabakunahan.

Inaasahan kasi aniyang darating sa ikatlong quarter ng taon ang mga bakunang binili ng lokal na pamahalaan ng Taguig.

Kabilang na rito ang AstraZeneca, Covovax, Covaxin, at Moderna.

Bukod kay Cayetano, nabakunahan na rin si Manila Mayor Isko Moreno gamit ang Sinovac vaccine.

 

Read more...