Nakalabas na ang low pressure area ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, tuluyang nakalabas ng bansa ang LPA bandang 10:00, Lunes ng umaga (April 5).
Wala aniyang direktang epekto ang naturang sama ng panahon sa bansa.
Maliban dito, wala na aniyang binabantayang LPA o bagyo sa paligid ng PAR.
Samantala, Northeasterly windflow naman ang nakakaapekto sa Luzon at Visayas.
Magdudulot aniya ito ng mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley at ilang parte ng Cordillera at Aurora.
MOST READ
LATEST STORIES