Mga nabakunahan sa QC, lagpas 23,000 na

Patuloy ang pag-arangkada ng COVID-19 vaccination program sa Quezon City.

Base sa datos hanggang Linggo, April 4, umabot na sa 23,433 ang nabakunahan sa lungsod.

Kasama rito ang medical frontliners at mga indibiduwal na may comorbidity.

Sa nasabing bilang, 1,100 QCGH healhcare workers ang nabigyan ng COVID-19 vaccine, kung saan 285 ang naturukan na ng second dose.

Nabakunahan na rin ang 6,815 na Level 1 at Level 2 public at private hospital frontliners.

Narito naman ang bilang ng frontliner na naturukan ng COVID-19 vaccine anim na distrito sa QC:
District 1 – 3,093
District 2 – 2,041
District 3 – 2,984
District 4 – 3,352
District 5 – 1,945
District 6 – 2,103

Read more...