Mandaue City Mayor Cortes, tinamaan din ng COVID-19

Photo credit: Mayor Jonas Cortes/Facebook

Nagpositibo sa COVID-19 si Mandaue City, Cebu Mayor Jonas Cortes.

Inanunsiyo ng alkalde sa kaniyang Facebook account na positibo ang lumabas na resulta sa kaniyang RT-PCR test noong araw ng Linggo, April 4.

Sumailalim aniya siya sa swab test nang makaramdam ng sintomas ng nakakahawang sakit.

Simula April 4, naka-isolate na ang alkalde at patuloy aniya niyang tinututukan ang kaniyang kalusugan.

Sa kabila nito, patuloy pa rin aniya ang pagseserbisyo sa Mandaue City.

Hinikayat ni Cortes na patuloy na sundin ang health protocols upang maiwasang mahawa ng COVID-19.

Read more...