Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (April 5), pumalo na sa 803,398 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 143,726 o 17.9 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 8,355 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
97.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.1 porsyento ang asymptomatic; 0.34 porsyento ang moderate; 0.6 porsyento ang severe habang 0.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 10 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 13,435 o 1.67 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 145 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 646,237 o 80.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.