Bilang ng mga Filipino na nabakunahan kontra COVID-19, halos 800,000 na

Taguig City government photo

Halos 800,000 na ang bilang ng mga Filipino na naturukan ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na nasa kabuuang 795,320 katao ang nabakunahan hanggang April 3, 2021.

Kabilang dito ang 765,871 medical frontliners, 16,121 senior citizens at 13,288 indibiduwal na may comorbidities.

Base rin sa inilabas na datos ni Roque, may 2,669 vaccination sites sa bansa.

Matatandaang nagsimula ang COVID-19 vaccination drive ng gobyerno sa bansa noong March 1, 2021.

Read more...