Concepcion, Tarlac Mayor Lacson positibo sa COVID-19

Photo credit: Mayor Andy David Lacson/Facebook

Tinamaan ng COVID-19 si Concepcion, Tarlac Mayor Andres Lacson.

Batay sa kaniyang Facebook post, sinabi ng alkalde na na-expose siya sa kaniyang close-in security aide na positibo sa nakakahawang sakit.

Agad aniya siyang nag-isolate nang malaman na COVID-19 positive ang kaniyang aide noong March 30.

Ani Lacson, negatibo ang lumabas sa kaniyang antigen test noong March 31 ngunit positibo ang resulta sa RT-PCR swab test noong April 4.

“We will continuously monitor our operations while I seek medica treatment to my moderate symptoms,” pahayag pa ng alkalde.

Read more...