Household lockdown, inirekomenda para mabalanse ang health care at economic activity sa gitna ng COVID-19 pandemic

Balewala para kay Marikina City Rep. Stella Quimbo ang pagpapalawig sa enhanced community quarantine kung hindi babaguhin ng gobyerno ang paraan nito para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Quimbo, malinaw na hindi epektibo ang kasalukuyang mga polisiya kaya patuloy sa pagtaas ang bilang ng nahahawang sakit.

Sabi ng kongresista, ang kailangan ngayon ay household lockdown kung saan ang bahay lang mismo na mayroong nagpositibo sa COVID-19 ang isasara.

Para epektibong maipatupad, dapat ibigay ang lahat nang pangangailangan ng pamilyang nakatira sa bahay na ila-lockdown kabilang ang ayudang in-cash at in-kind.

Ipinaliwanag ni Quimbo na kung gagawin ang lockdown sa household level, mapapagkasya ng LGUs ang available nilang resources at mabilis ring matutukoy ang COVID-19 cases sa kanilang nasasakupan.

Sa ganitong paraan, mababalanse aniya ang health care at economic activity dahil hindi maapektuhan ang aktibidad ng ibang mga nakatira sa isang lugar kahit pa mayroong kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Read more...