Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 131,920,255 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 31,420,331 cases.
Sumunod na rito ang Brazil na may 12,984,956 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 12,589,067 naman ang kaso sa India habang 4,822,470 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 4,580,894
– United Kingdom – 4,359,388
– Italy – 3,668,264
– Turkey – 3,487,050
– Spain – 3,300,965
– Germany – 2,895,631
– Colombia – 2,446,219
– Poland – 2,438,542
– Argentina – 2,393,492
– Mexico – 2,250,458
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,866,007 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 106,202,786 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.