Magiging maaliwalas ang kalangitan sa buong bansa.
Ayon sa PAGASA, walang inaasahang malawakang pag-ulan ngayong araw ng Linggo.
Mayroong umiiral na Northesterlies windflow na umiiral sa dulong Hilagang Luzon o sa Batanes at Babuyan Island.
Magdadala ito ng kung minsan ay mahinang pag-ulan, ayon sa PAGASA.
Easterlies naman ang umiiral sa nalalabing bahagi ng bansa na magdadala ng maalinsangang panahon sa tanghali at hapon.
Sabi ng weather bureau wala naman silang minomonitor na sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Ang araw ay sumikat dakong 5:50 ng umaga at inaasahang lulubog 6:09 mamayang gabi.
MOST READ
LATEST STORIES