Kasunod nito, ayon sa senador, ay magbibigay naman ang task force ng kanilang rekomendasyon kay Pangulong Duterte.
”Sikapin nating hindi na sana habaan pa ang ECQ dahil malaking dagok ito sa kabuhayan ng mga Pilipino. Pero kung patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19, wala tayong choice kundi maghigpit pa rin dahil babagsak naman ang ating health system kapag mapuno pa lalo ang mga ospital at isolation facilities,” apila ni Go.
Sinabi pa ni Go napakahalaga ang pagkakaroon ng disiplina, pag-iingat at kooperasyon ng lahat, lalo na sa pagsunod sa mga itinakdang protocols.
“Ang prayoridad natin ngayon ay makapagligtas ng buhay ng mga Pilipino. Kaakibat dyan ang pagsiguradong maiiwasan hindi lang ang sakit, kundi pati rin ang gutom,” sabi pa ng namumuno sa Senate Health Committee.
Diin niya sa pagbalanse sa kalusugan at ekonomiya, napakahalaga ang pagsalba sa buhay ng tao.