Isa pang komunidad sa Muntinlupa City inilagay sa lockdown dahil sa 14 active COVID 19 cases

Nadagdagan pa ang komunidad sa Muntinlupa City na isinailalim sa Extreme Localized Community Quarantine O ELCQ.

Sa Executive Order No. 12 na pinirmahan ni Mayor Jaime Fresnedi, mula kaninang ala-6 ng umaga hanggang ala-6 ng umaga epektibo ang ELCQ sa 229 Compound, Purok 1 sa Barangay Bayanan.

Nabatid na apektado nito ang 38 katao sa 10 kabahayan. May 14 aktibong COVID 19 cases sa lugar at ang dalawang residenteng nakakatanda ay ginagamot na sa ospital.

Ginawa ni Fresnedi ang hakbang base sa rekomendasyon ni acting City Health Office chief, Dr. Juancho Bunyi.

Nabanggit ni Bunyi na may ‘clustering’ ng mga kaso sa mga lugar na hindi ganap na nasusunod ang minimum health protocols.

Magsasagawa ang CHO ng mass testing na nabanggit na lugar.

Read more...