Palasyo: “Lugaw is considered an essential good”

Photo grab from PCOO Facebook video

Essential o mahalaga ang lugaw.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakangang matapos mag-viral ang video ng Grab delivery na naharang sa checkpoint dahil inabot na ng curfew.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi dapat na maantala ang food delivery at dapat ay 24/7 habang nasa enhanced community quarantine ang Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.

Hindi aniya dapat harangin ang food delivery sa mga checkpoint.

“Lugaw, or any food item for that matter, is considered an essential good. Delivery of food items must remain unhampered 24/7. Huwag natin harangin sa checkpoints,” pahayag ni Roque.

Read more...