Pag-iral ng ECQ sa NCR plus bubble, nais pang pahabain

Nais ni Doctor Ted Herbosa, medical adviser ng National Task Force Against COVID-19, na pahabain pa ang umiiral na enhanced community quarantine sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Ayon kay Herbosa, ito ay para tuluyang bumaba ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Ayon kay Herbosa, malaking tulong kasi kung palalawigin pa ang ECQ.

Bukod sa pagpapalawig sa ECQ, dapat din aniyang sumunod ang publiko sa minimum health protocols na pinaiiral ng pamahalaan.

Dapat din aniyang paigtingin ang testing, isolation at contact tracing.

Read more...