Sinimulan na ang pagbibigay sa health workers sa Taguig City ng second dose ng bakuna kontra COVID-19.
Sa Taguig-Pateros District Hospital, naturukan na ng second dose ng bakuna ang mga doktor, nurse at iba pang medical worker, araw ng Martes
Inaasahang mabibigyan na rin ng second dose ang nalalabi pang health workers sa mga susunod na araw.
Sinabi ng Taguig City government na halos 90 porsyento nang tapos ang pagbabakuna sa mga kabilang sa category A1 ng COVID-19 Vaccine Priority List.
Dahil malapit nang matapos ang pagbabakuna sa health workers, sinimulan na ang pagbibigay ng COVID-19 vaccine sa mga senior citizen at susundan ng mga taong may comorbidities.
Ayon kay Mayor Lino Cayetano, ang COVID-19 vaccination ang susi upang mahinto ang pandemya at maibalik ang normal na pamumuhay ng mga tao.
“While we continue to build our portfolio of vaccines and wait for the supplies to arrive, we believe that the best vaccine to administer to our citizens is the vaccine that is available now,” pahayag ng alkalde.
Sa ngayon, nasa 72 ang bilang ng aktibong COVID-19 cases sa lungsod.