Bilang ng overseas Filipinos na naka-recover sa COVID-19, sumampa na sa 10,000

May 246 na bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 31, nasa 16,394 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 90 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 5,297 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

257 namang bagong gumaling kung kaya 10,048 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

May isa namang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,049 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 9,078 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,275 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 901 naman ang kaso sa Americas at 3,140 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...