BREAKING: Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 130,000; Higit 100 ang bagong nasawi

Mahigit 6,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (March 31), pumalo na sa 747,288 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 130,245 o 17.4 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 6,128 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

95.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.6 porsyento ang asymptomatic; 0.38 porsyento ang moderate; 0.6 porsyento ang severe habang 0.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 106 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 13,297 o 1.78 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 491 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 603,746 o 80.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...