“Until further notice” epektibo ito, ayon sa kagawaran.
“The recent COVID-19 testings at the Department this March 2021 saw a significant surge in COVID-19 cases among its personnel, consistent with the alarming increase in the number of COVID-19 cases in the country,” saad ng DFA.
Sa buwan ng Marso, umabot na sa 88 ang bilang ng positibong kaso sa kagawaran, kung saan karamihan ay frontline personnel.
Ito na anila ang pinakamataas na bilang ng positibong kaso sa DFA simula nang magkaroon ng pandemya.
“The Department seeks the public’s understanding on the recent closures and delays in services that they may have experienced due to the plight of its frontliners,” dagdag pa nito.