Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 47,178 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (March 31).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 9,422 o katumbas ng 20 porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
Mayroon ding bagong gumaling sa lungsod.
Bunsod nito, 36,857 o 78.1 na porsyento na ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 899 na o 1.9 porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 233,064 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES