Monreal, Masbate niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa Masbate, Martes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang lindol sa layong 8 kilometers Northwest ng Monreal.

Naramdaman ang pagyanig bandang 10:02 ng gabi.

30 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa nasabing lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...