Muntinlupa LGU, 100 porsyento nang nabakunahan ang hospitals‘ health workers

Muntinlupa City PIO photo

Natapos na ng pamahalaang-lungsod ng Muntinlupa na mabakunahan ang lahat ng health workers sa public at private hospitals sa lungsod.

Base sa iniabas na datos, umabot sa 5,567 medical frontliners mula sa Ospital ng Muntinlupa, Asian Hospital and Medical Center, Medical Center Muntinlupa, at iba pang pribadong pagamutan ang nakatanggap na ng kanilang first dose ng Sinovac aat AstraZeneca vaccines hanggang noong Lunes.

Bukod pa dito ang 269 local frontliners na kinabibilangan ng mga miyembro ng barangay health emergency teams at contact tracers.

Target naman, ayon kay acting City Health Office chief Dr. Juancho Bunyi, na matapos sa loob ng dalawang linggo ang pagpapabakuna sa mga nasa A1 sub—priority group.

Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa Office of the Senior Citizen Affairs para sa pagpapabakuna ng higit 45,000 senior citizens sa lungsod.

Isasagawa ang pagpapabakuna sa mga nakakatanda sa 19 private and public schools sa lungsod.

Read more...