Dapat aniyang tiyakin ng DepEd sa mga guro na magkakaroon ng testing at sila ay gagamutin sakaling tamaan sila ng COVID-19.
Hinimok din nito na maiangat sa priority list sa vaccination rollout ang mga guro dahil isinasakripisyo din nila ang kanilang kaligtasan at kalusugan sa pagkasa ng blended learning system.
Noong nakaraang taon, inihayag ng DepEd na ang kanilang mga guro at kawani ay sakop ng PhilHealth sakaling tamaan sila ng COVID 19.
Gayundin ang Employees Compensation Commission ay may nakalaan na benepisyo para sa mga pagkakasakit ng kawani dahil sa pagtatrabaho.
“Sa kabila ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 at ngayong nagsisimula na ang ating vaccination program, hindi natin dapat pabayaan ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga guro at kawaning nagsasakripisyo upang maipagpatuloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya,” sabi ng namumuno sa Senate Committee on Basic Education.