Humina ang isinasagawang contact tracing ng pamahalaan sa mga nakalipas na linggo.
Sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni contact tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang national contact tracing efficiency ratio ay bumaba sa 1:3 mula sa dating 1:7 sa nakalipas na apat na linggo.
Kapag ang ratio aniya ay nasa 1:3 lamang, nangangahulugan lamang ito na tanging ang pamilya lamang ng pasyente ang na-contact trace at hindi na ang iba nitong contacts.
Isa aniya sa mga dahilan kung bakit humina ang contact tracing system sa mga nakalipas na linggo ay dahil marami sa local government units ang bugong gamitin ang uniformed data collection tool ng pamahalaan.
Ilan pa nga aniya sa mga close-contact data ay hindi rin wastong na-encode.