Operasyon ng DFA Consular Office sa Tuguegarao City, suspendido

Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Tuguegarao City (CO Tuguegarao).

Sinabi ng kagawaran na epektibo ito mula March 30 hanggang April 4, 2021.

Paliwanag ng DFA, alinsunod ito sa Executive Order 54, series of 2021, kung saan ipinatupad ang pagsasailalim ng nasabing lugar sa enhanced community quarantine (ECQ).

Inabisuhan naman ang mga aplikante na may confirmed appointments sa naturang petsa na magpa-appoint muli sa pamamagitan ng tuguegarao.rco@dfa.gov.ph kasama ang mga sumusunod na impormasyon:
– Name
– Date of birth
– Original appointment date and time
– Preferred date and time of new appointment

Ang bagong appointment schedule ay maaaring itapat mula April 19 hanggang May 21, 2021, Lunes hanggang Biyernes tuwing regular operation hours (9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon).

Para naman sa mga aplikante na may emergency o kailangan ng urgent consular services, maaaring makipag-ugnayan sa CO Tuguegarao sa pamamagitan ng email: tuguegarao.rco@dfa.gov.ph.

Magbabalik naman sa normal na operasyon ang CO Tuguegarao sa Lunes, April 12, 2021.

Read more...