Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 30, nasa 16,148 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 90 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 5,308 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
49 namang bagong gumaling kung kaya 9,792 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
May isa namang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,048 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,888 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,275 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 901 naman ang kaso sa Americas at 3,084 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.