Pagpapasya kung cash o in-kind ang ibibigay na ayuda sa mga lugar na nasa ECQ, bahala na ang LGUs – Palasyo

Photo grab from PCOO Facebook video

Bahala na ang local government units ang pagpapasya kung cash o in-kind ang ibibigay na ayuda sa mga pamilyang naninirahan sa mga lugar na nasa enhanced community quarantine dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang nais lamang masiguro ni Pangulong Rodrigo Duterte ay makarating ang tulong ng pamahalaan sa mga nangangailangan sa pinakamabilis na panahon.

Sinabi ng kalihim na kung matitiyak ng LGUs na kaya nilang maibigay ang in-kind sa mga nangangailangan ng mabilisan, wala itong magiging problema.

Gayunpaman, kung bibili pa aniya at matatagalan pa ang LGUs sa pamamahagi ng assistance, marahil ay mas mainam kung cash na lamang ang ibigay.

Kabilang sa mga lugar na nasa ECQ ang National Capital Region, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

Nagsimula ang ECQ noong Marso 29 at tatagal ng hanggang Abril 4.

Read more...