Mensahe ito ng Palasyo ng Malakanyang kay dating Pangulong Joseph Estrada na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isang alamat sa Pilipinas si Estrada.
Nais aniya ng Palasyo na makita si Estrada na malusog at makibahagi sa public life sa bansa sa matagal na panahon.
Matatandaang kinumpirma ng pamilya Estrada na isinugod sa ospital ang dating Pangulo dahil sa COVID-19.
Bago naging Pangulo ng bansa, sumabak at naging sikat na artista si Estrada at nagsilbing mayor ng San Juan.
READ NEXT
BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 741,000; Higit 9,200 ang bagong nadagdag
MOST READ
LATEST STORIES