BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 741,000; Higit 9,200 ang bagong nadagdag

Mahigit 9,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (March 30), pumalo na sa 741, 181 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 124,680 o 16.8 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 9,296 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

96 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.3 porsyento ang asymptomatic; 0.39 porsyento ang moderate; 0.7 porsyento ang severe habang 0.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa lima naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 13,191 o 1.78 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 103 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 603,310 o 81.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...