Sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni testing czar Sec. Vince Dizon na hanggang March 30, 2021 ay umabot na sa 239 ang COVID-19 testing laboratories.
Malayong-malayo aniya ito sa sitwasyon noong nakaraang taon kung saan nagpapadala pa ng specimen sa bansang Australia para suriin.
Nasa 51,143 average test per day naman ang naitala noong nakaraang linggo na malaking improvement mula sa dating 1,000 average test per day ng bansa noong nakaraang taon.
Pumalo na rin sa 57,525 test kada araw ang naisasagawa ng mga laboratoryo sa bansa kung ikukumpara sa 3,000 lamang noong April 2020.
Sabi pa ni Dizon na bilang bahagi naman ng pagpapaigting sa testing at tracing partikular sa mga komunidad na may mataas na surge ng COVID-19 cases ay ide-deploy ang nasa 500,000 antigen kits.
Ito ay katumbas nito ang 30,000 na test kada araw sa NCR+ bubble sa loob ng dalawang linggo.