Layon nitong maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang mga tanggapan.
Sa inilabas na abiso, sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na lahat ng BI offices sa NCR, Laguna, Rizal, Cavite, at Bulacan ay magpapatupad ng skeletal workforce at mas maikling working hours, mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
Tatagal ito hanggang April 4, 2021 o kung kailan aalisin ang pagpapatupad ng ECQ sa nasabing mga lugar.
Kasama sa work-from-home arrangement ang mga empleyado ng ahensy na buntis at may immune deficiency, comorbidity, at iba pang problema sa kalusugan.
Maliban sa BI main office sa Intramuros, Maynila nag-ooperate rin ang ahensya ng satellite at extension offices sa Makati, Pasay, Taguig, Quezon City, at Las Piñas.
Mayroon din silang student visa office sa Quezon City at field offices sa Dasmariñas City, Cavite; Santa Rosa City, Laguna; at Taytay City, Rizal.
Nilinaw naman ni Morente na hindi kabilang sa nabanggit na working arrangement ang BI personnel na naka-deploy sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
“Nonetheless, we have also instructed our port operations division (POD) to temporarily reduce the number of its personnel reporting for duty in each shift and lessen the number of their duty days until such time that the surge of the coronavirus is contained,” ayon sa BI chief.