Claire dela Fuente pumanaw na

Pumanaw na ang sikat na singer at OPM icon na si Claire dela Fuente.

Ayon sa ulat, pumanaw si dela Fuenta kaninang umaga, Marso 30 sa edad na 62 anyos.

Cardiac arrest ang dahilan ng pagpanaw ni dela Fuente.

Naging kilala si dela Fuente dahil sa pagiging Karen Carpenter ng Pilipinas.

Kinilala rin si dela Fuente bilang Asia’s Sweetest Voice at isa sa mga Jukebox Queens noong 1970s.

Ilan sa mga kantang pinasikat ni dela Fuente ang “Sayang,” “Nakaw na Pag-Ibig” at  “Minsan, Minsan.”

Read more...