Mga walang trabaho noong February 2021, umakyat sa 4.2 milyong Filipino

 

Lumobo pa ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong February 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority. Sinabi ni National Statistician Undersecretary Dennis Mapa, base sa isinagawang Labor Force Survey,  umakyat ito ng 4.2 milyon o 8.8 percent na mas mataas sa 4 na milyon o 8.7 percent naitala noong nakalipas na buwan ng Enero. Tumaas naman ng 1.9 percent ang mga mayroong trabaho o negosyo noong buwan ng Pebrero na umakyat sa 43.2 milyon mula sa 41.2 milyon noong Enero 2021. Ang underemployed naman noong Pebrero ng 2021 ay tumaas sa 7.9 milyon kumpara sa 6.2 milyon noong Enero. Sabi ni Mapa, sa mga pangunahing sektor, ang services sector pa rin ang nanatiling may pinakamalaking bahagi ng populasyon na may trabaho o negosyo na nasa 58.4 percent na sinundan ng sector ng agrikultura na nasa 23.9 percent. Ang nature ng trabaho, pagbaba ng mga kliyente at mga trabaho gayundin ang pagpapatuloy na COVID-19 pandemic ang pangunahing dahilan pa rin kung bakit hindi nakapagtrabaho at nakapagnegosyo ang mga Filipino noong buwan ng Pebrero.

Read more...