Second dose ng COVID-19 vaccination sa mga healthcare workers sa Maynila umarangkada na

Manila PIO photo

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbibigay ng second dose ng bakuna kontra COVID-19 sa mga healthcare workers sa Sta. Ana Hospital.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, kabilang sa mga tinurukan sa ikalawang round si Manila Vice Mayor Honey Lacuna na isang doktor.

Bukod sa mga healthcare workers, nasa ikatlong araw na ngayon ang Maynila sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga senior citizens.

Isinasagawa ang vaccination program sa Sta. Ana Elementary School.

Sisimulan naman bukas, Marso 31, 2021 ang pagbabakuna sa mga persons with comorbidities o ang mga taong may sakit.

 

Read more...