Pag-amyenda sa SK Law pasado na sa Senate Youth Committee

Naaprubahan na sa Senate Committee on Youth ang panukalang pag-amyenda sa Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015.

 

Sinabi ni Sen. Sonny Angara, ang namumuno sa komite, layon ng panukala na palawigin pa ang partisipasyon ng mga kabataan sa lokal na pamamahala.

 

Ayon pa kay Angara, nabuo ang Senate Bill 214 matapos ang malawakang konsultasyon sa mga SK Federations, Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Budget and Management (DBM), National Youth Commission at sektor ng edukasyon.

 

Kabilang aniya sa mga nais maamyendahan sa batas ay ang pagbibigay ng honoraria sa mga miyembro ng SK gayundin ang iba pang bumubuo ng lokal na konseho ng kabataan.

 

“The issue of honoraria or in this case, the lack of it, has been cited as one of the main reasons why fewer people want to join the SK. We recognize the importance of getting the youth involved in local governance and how this experience contributes to their development as future leaders so we should provide them with all the support we can give,” sabi ng senador.

 

Dagdag pa ni Angara, ang inilaan pondo para sa SK, base sa panukala, ay maari na rin magamit sa student stipends, book and education allowances, sports and wellness projects, skills training, OJT assistance, cash-for-work, livelihood assistance, environment conservation, calamity preparedness, at capacity-building.

Read more...