Presyo ng produktong petrolyo may rollback muli bukas

Oil photo genericSa ikalawang sunod na linggo ngayong buwan ng Abril, magpapatupad muli ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Batay sa abiso, maglalaro sa 65 hanggang 80 centavos ang bawas sa kada litro ng gasolina.

Nasa 55 hanggang 70 centavos naman sa presyo ng diesel.

At aabot naman sa 50 hanggang 60 centavos ang mababawas sa kada litro ng kerosene.

Ngayong araw iaanunsyo ng mga kumpanya ang eksaktong halaga ng ipatutupad na bawas sa presyo.

Ito ang ikalawang linggo na magpapatupad ng rollback ang mga kumpanya ng langis ngayong buwan ng Abril.

Noong April 4, nagpatupad ang mga oil companies ng 60 centavos na bawas sa presyo ng diesel, 15 centavos sa presyo ng gasolina at 40 centavos sa presyo ng kerosene.

 

Read more...