Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (March 29), pumalo na sa 731,894 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 115,495 o 15.8 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 10,016 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang pinakamataas na naitalang kaso ng nakamamatay na sakit sa Pilipinas sa loob ng isang araw.
95.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.4 porsyento ang asymptomatic; 0.41 porsyento ang moderate; 0.7 porsyento ang severe habang 0.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 16 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 13,186 o 1.80 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 78 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 603,213 o 82.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.