Siyam pang overseas Filipinos, nagpositibo sa COVID-19

May siyam na bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 29, nasa 16,077 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 90 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 5,287 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Lima namang bagong gumaling kung kaya 9,743 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala muling bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,047 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,884 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,274 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 901 naman ang kaso sa Americas at 3,018 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...