Pangulong Duterte, iaanunsiyo ang quarantine classifications sa bansa mula April 5 – 30

PCOO photo

Iaanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging quarantine classifications sa bansa mula April 5 hanggang 30, ayon sa Palasyo ng Malakanyang.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na magkakaroon ng “Talk to the People” ang Pangulo pagkatapos dumalo sa turnover ceremony ng isang milyong doses ng Sinovac vaccine, araw ng Lunes (March 29).

Tatalakayin din aniya ng Punong Ehekutibo ang ibibigay na tulong ng gobyerno sa mga apektado ng ipinatupad na isang linggong enhanced community quarantine (ECQ).

Isinailalim sa ECQ ang Metro Manila, Rizal, Laguna, Bulacan, Cavite, at Laguna simula March 29 hanggang April 4 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Read more...