Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 127,776,580 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 30,962,803 cases.
Sumunod na rito ang Brazil na may 12,534,688 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 12,039,644 naman ang kaso sa India habang 4,545,589 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 4,519,832
– United Kingdom – 4,333,042
– Italy – 3,532,057
– Spain – 3,255,324
– Turkey – 3,208,173
– Germany – 2,786,345
– Colombia – 2,382,730
– Argentina – 2,308,597
– Poland – 2,250,991
– Mexico – 2,226,550
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,796,169 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 102,967,241 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.