GSIS isinara ang mga opisina na nasa loob ng NCR Plus bubble

GSIS FACEBOOK ACCOUNT

Inanunsiyo ng Government Service Insurance System (GSIS) ang pansamantalang pagsasara ng kanilang mga opisina sa mga lugar na nakapaloob sa NCR Plus bubble simula ngayon araw.

Sa inilabas na abiso ng ahensiya, ang mga apektado nilang tanggapan ay ang GSIS Head Office in Pasay City at kanilang mga sangay sa  Mindanao Avenue, Quezon City, Malolos, Bulacan, at Pagsanjan, Laguna.

Ang pansamantalang pagsasara ay hanggang sa Abril 4.

Ang mga pensioner ng GSIS ay maaring magpa-schedule ng kanilang Annual Pensioners Information Revalidation o APIR sa pamamagitan ng email o text message.

Samantala, ang Social Security System (SSS) naman ay sina na hindi tatanggap ng walk-in transactions sa kanilang mga opisina sa Metro Manila. Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan mula ngayon araw hanggang sa April 4.

Hinihikayat nila ang kanilang mga miyembro na gamitin ang SSS online at mobile service channels.

 

Read more...