Sen. Bong Go pinamamadali na sa gobyerno ang ayuda sa ECQ areas

Umapila na si Senator Christopher Go sa gobyerno na madaliin na ang pamamahagi ng tulong sa mga apektado ng pinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Aniya dapat ay pagsumikapan ng gobyerno na mabigyan ang lahat ng nangangailangan para walang magutom dahil aniya hindi naman sila maaring lumabas ng bahay at dumikarte ng pangkain.

“Sa bawat araw na lumilipas kung saan nakakulong at limitado ang galaw ng mga tao para matigil ang pagkalat ng sakit, isang araw din na bawas ito sa kita na dapat ipapakain nila sa kanilang mga pamilya, lalo na ‘yung mga “isang kahig, isang tuka,” ayon sa senador.

Giit niya ang anumang pondo mayroon ang gobyerno na magagamit na pang-tulong ay ipamahagi na sa mga kuwalipikadong indibiduwal.

Kasabay nito ang kanyang panawagan sa mga apektado na magtiis-tiis na muna dahil nagsusumikap naman aniya ang gobyerno na matulungan ang lahat.

Read more...