Higit 1,600 nagtapos sa contact tracing course ng TESDA

Umabot sa 1,689 scholars ang nakapagtapos ng Contact Tracing Training Program (CTTP) noong nakaraang taon, ayon sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) noong nakaraang taon.

Base sa datos ng Regional Operations Management Office ng ahensiya, sa Cagayan Region may pinakaraming graduates sa bilang na 581, kasunod sa National Capital Region na may 327 at 151 naman sa Region 1.

Nabatid din na  117 TESDA Technology Institutions (TTIs)  sa buong bansa ang nag-aalok ng Contact Tracing Level II course.

Kaugnay nito, hinihikayat ni TESDA Dir. Gen. Isidro Lapeña ang mga lokal na pamahalaan na kuhanin ang kanilang graduates bilang barangay contact tracers.

Dapat din aniya samantalahin ng mga lokal na pamahalaan ang libreng contact tracing  program dahil malaki ang maitutulong nito sa pagharap sa pandemya dala ng COVID 19.

Maaring kuhanin ng high-school graduates ang kurso at sila ay may kabuuang P2,400 allowance, insurance coverage, at allowance para sa health protection equipment at internet.

Read more...