Venezuela President Maduro: COVID 19 vaccines papalitan namin ng langis!

Iniaalok na ni Venezuelan President Nicolas Maduro ang nakaimbak nilang mga langis kapalit ng bakuna kasabay ng pagharap nila sa ‘second wave’ ng COVID 19 pandemic sa kanilang bansa.

“Venezuela has the oil tankers, it has customers ready to buy oil from us. It would devote part of its production to obtain the vaccines it needs. Oil for vaccines!” sabi nito.

Magugunita na sa pangunguna ng administrasyon ni dating US President Donald Trump, nagdeklara ng sanctions ang iba pang bansa, Canada, Mexico, Panama at Switzerland, gayundin ang European Union laban sa Venezuela.

Ipinagbabawal ang anumang pakikipag-transaksyon sa anumang negosyo sa Venezuela at ang lubhang naapektuhan ay ang pagbebenta ng bansa ng kanilang langis.

Kahapon lang ay ipinag-utos ng Facebook ang pag-‘freeze’ sa account ni Maduro dahil sa pagkakalat ng maling impormasyon ukol sa COVID 19.

Samantala, ang tanging inaprubahan naman ni Maduro na COVID 19 vaccines ay ang Sputnik V ng Russia at ang gawa ng Sinopharm.

Read more...