Paliwanag ni Briones sa umiiral nilang polisiya, ‘last resort’ o ‘final option’ na lang ang paggamit sa public schools bilang vaccination centers.
Bukod pa dito, maari din lang ikasa ang vaccination rollout sa mga paaralan, kung papasa sa itinakdang requirements ng DOH at Inter-Agency Task Force at wala ng iba pang COVID-related activities.
Nakapaloob na ang mga ito sa memorandum na ipinadala ni Briones sa mga opisyal ng mga paaralan.
Ito din ang nais ni Pangulong Duterte at DILG kung talagang wala ng magagamit na vaccination center sa isang lokalidad.
“We are ceaselessly attuning with the DOH and the local government units (LGUs) in determining the schools that are capable to meet their standards because we know that not all schools have the facilities needed for an immunization activity,” sabi pa ng kalihim.