DOTr: Biyahe ng mga pampublikong sasakyan ngayong ECQ, tuloy

Siniguro ng Department of Transportation na tuloy ang biyahe ng mga pampublikong sasakyang sa mga lugar na nasa ilalim ng isang linggong enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Transportation Usec. Artemio Tuazon, patuloy na makakasakay  ang mga authorized persons outside of residence (APOR) sa mga pampublikong sasakyan pero kailangang sumunod sa ipinapatupad na minimum health standards tulad ng pagsusuot ng mask at face shield.

Wala namang pagbabago sa aviation sector sa ipinapatupad ng 30 pertcent capacity.

Ang 1,500 na international inbound passengers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay mananatili.

Sa maritime sector naman, ipatutupad ang 50 percent capacity at kailangang sumunod sa mga requirements ng local government units (LGUs).

Sa railways sector naman ipatutupad ang 20% hanggang 30% capacity sa lahat ng tren kung saan 370 lamang na pasahero sa kada train set ng Light Rail Transit Line 1; 274 sa Light Rail Transit Line 2 ; 372 pasahero sa Metro Rail Transit Line 3; at 310 naman sa Philippine National Railways (PNR).

Ang mga public utility vehicles (PUVs) ay kailangang mayroon lamang 50% maximum allowable capacity.

Papayagan naman ang pagpasok ng mga provincial bus sa mga border pero dapat ito ay point-to-point ang byahe habang ang mga motorcycle taxis ay dapat APOR lamang ang pasahero.

Nilinaw din ng DOTr na walang ipatutupad na pagtaas sa pamasahe sa kabila ng limitadong passenger capacity sa mga public transportation.

Hindi rin kasama sa ipinapatupad na 6pm hanggang 5am curfew ang PUVs.

Read more...